Archives

gravatar

How to Fight the Dengue Fever?

HAYYY! Wawa naman si ineng.. Naospital kasi nabiktima ng dengue fever. Pero nakakatuwa kasi di masyado nagtagal ang confinement! Siyempre nalungkot si utoy at nagresearch ng mga bagay na makakatulong sa paggamot sa dengue fever.

Una,kapag may dengue fever ka, inaatake ng virus ang immune system mo. Kaya kailangan na palakasin mo ang katawan mo para di tuluyang bumaba ang platelet counts mo. Alam nyo ba kung ano ang ginawa ko?

Well, liquid,liquid,liquid! Yes, wala akong ginawa kundi uminom ng lahat ng posibleng liquid. Mula sa halamang gamot, hanggang sa juices lahat ininom ko. Ang resulta eh maagang recovery.

Kayo,naranasan nyo na ba magkadengue? Ano nakatulong sa inyo?

gravatar

Why?

Utoy: "Why" nga ba? Ha?
Ineng: Anong "why"?
Utoy: "Why" nga eh? T_T

gravatar

Endure the Heat!

mabanas. maalinsangan. mainit. nakakapanlagkit. hindi ka mapakali. pinapawisan ka. laging pahid ng pahid ng pawis. pero nagbo-blog pa rin. walang aircon sa office.

gravatar

How to Cope with Insomia?

Nasubukan na ba ninyo ang magpuyat o mapuyat? Hayy, talaga namang nakakapanghina ng katawan at isipan. Pero iba naman ang kaso kapag may insomia. Ito ay isang uri ng karamdaman na nararanasan ng isa kapag palagi at patuloy ang di pagkakatulog.

Kayo, ano ba ang dahilan ninyo at nakakapagpuyat kayo? At ano rin ang ginagawa ninyo para maiwasan ito? Sabi ng iba uminom ka raw ng maligamgam na gatas at tyak na masarap ang tulog mo.

Well, anuman ang dahilan at nararanasan ng tao ang insomia ang mahalaga eh kung hindi man tayo makatulog eh basta't gising tayo sa bawat umaga di ba?

gravatar

Sample Resignation Letter

sample resignation letter??? nope, hindi pang-akin yan! (sa banda-banda riyan pa. Hehehe.) marami kasi ang naghahanap ng bagay na ito sa internet. Ibig sabihin, sandamak-mak na tao ang gustong gustong mag-resign samantalang bulto-bulto din naman ang gustong mag ka trabaho. kaya naman, paano ba ang magsulat ng resignation letter?

Simple lang. Mag-sorry ka dahil madalas kang liban. pasalamatan ang kompanya na iiwan mo. tapus yung iba e ikaw na bahalang magdrama. hehehe. Ayos?

gravatar

ACLC Issued a Notice-To-Explain (NTE) to Someone

kawawang empleyado, kabatabata pa eh makakalimutin na. na-issue-han tuloy ng NTE or Notice-To-Explain. ibig sabihin, meron kang kakaibang nagawa at dapat kang magpaliwanag kung bakit nangyari yung bagay na kakaiba mong nagawa. toinkz.

e ano bang kakaibang nagawa na nangangailangan ng NTE? simple lang, naglog-in pero hindi naglog-out sa biometrics nung isang araw. so, nung umaga kinabukasan, akala nya eh log-in yung ginawa niya pero actually log-out yun para dun sa log-in na ginawa nya kahapon. gets? ano ang resulta? nagmukha lang namang nagstay ka sa school magdamag kasi hindi ka nag-out.

wala ng magagawa, nangyari na. magpaliwanag na lang. hehehe. first time nangyari sa kanya ito, yun din ang dahilan kaya siguro ibi-nlog nya yung nangyaring yun. Hahaha.

gravatar

Prelim Grade Sheets are Done! Blogging Mode...

ok, so natapos ko na ang mga grade sheets. halos 10 days din ako hindi nakagawa ng ibang bagay bukod dun. pero mabuti na lang at kahit papano eh natapos na nga. hahaha. ano ang resulta? blogging mode tayo ngayon.

chineck ko yung ibang blog ko. nag-update at nagcheck ng earnings(kung meron nga...). Kaso, hindi pwedeng masyado magtagal kasi may importante pang gagawin bukod sa pagboblog. sa ibang salita eh "wag lang masabing hindi nagpost!". toinkz!