ACLC Issued a Notice-To-Explain (NTE) to Someone
kawawang empleyado, kabatabata pa eh makakalimutin na. na-issue-han tuloy ng NTE or Notice-To-Explain. ibig sabihin, meron kang kakaibang nagawa at dapat kang magpaliwanag kung bakit nangyari yung bagay na kakaiba mong nagawa. toinkz.
e ano bang kakaibang nagawa na nangangailangan ng NTE? simple lang, naglog-in pero hindi naglog-out sa biometrics nung isang araw. so, nung umaga kinabukasan, akala nya eh log-in yung ginawa niya pero actually log-out yun para dun sa log-in na ginawa nya kahapon. gets? ano ang resulta? nagmukha lang namang nagstay ka sa school magdamag kasi hindi ka nag-out.
wala ng magagawa, nangyari na. magpaliwanag na lang. hehehe. first time nangyari sa kanya ito, yun din ang dahilan kaya siguro ibi-nlog nya yung nangyaring yun. Hahaha.